weekend dyok: mag-aaral
sa Math class
Guro: Kung my P100 ka at humingi ka ng P500 sa mama mo, magkano nang pera mo?
Boy: P100 po!
Guro: Mali, di mo alam ang math mo.
Boy: Excuse me po, di nyo po alam ugali ng mama ko!
---o0o---
sa Arts class
Teacher: class magbigay kayo ng kulay na nagsisimula sa letter ‘M’
Maria: maroon at magenta po ma’am.
Teacher: very good. O ikaw Juan meron pa ba?
Juan: dalawa lang very good na hhmmm… maitim, mapute, maputla, madilaw, mukhang berde, medyo asul, mamink-mink
Teacher: pilosopo kang bata ka. O ikaw Pedro nagtataas ka ng kamay may alam ka ba?
Pedro: meron po… mrown, mred, mlue, mlack, mreen, mink (ngongo pala)
---o0o---
sa Science class
Guro: Ano dapat gawin pag may lindol?
Maria: Ma’am wag po magpanic at pumailalim sa mesa.
Guro: Very good.
Juan: Buksan po ang ilaw!
Guro: Bakit?
Juan: Kasi po sa bahay kubo namin madalas lumindol pag gabi pero pag-switch ko po ng ilaw biglang tumitigil!
---o0o---
sa English class
Teacher: Ano sa ingles ang maswerte akong lalaki?
Pedro: Lucky Me with Egg po.
Teacher: Eh, iyong matronang babae?
Juan: Payless instant mommy po.
Teacher: Juan! translate this in english!
Juan: Anything ma'am!
Teacher: Ang uwak ay hinang-hinang naglalakad-lakad.
Juan: The wak wak who weak weak, walk walk!
---o0o---
sa Spelling class
Guro: Class who can spell Ambulance?
Pedro: Ako po ma’am!
Guro: O sige
Pedro: A – M – B – U
Guro: Bilisan mo at malapit nang recess.
Pedro: Wang-Wang-Wang-Wang
---o0o---
sa loob ng classroom
Teacher: Juan, Pedro bakit kayo nag-aaway?
Juan: Mam si Pedro po pinalo nya ako ng SWEEP the floor.
Pedro: Pano di ko sya papaluin eh binato nya po ako ng SCRUB the floor.
Teacher: Tumigil na kayo, pati mga grammar nyo mali! Pag di kayo tumigil itatali ko kayo sa FLAG CEREMONY!
Guro: Pedro late kana naman.
Pedro: Late po kasi relo ko.
Guro: Problema ba yun. E di i-advance mo.
Pedro: Sige po.
Guro: Oh, saan ka pupunta?
Boy: Uwian na po!
Guro: Juan late kana naman.
Juan: Nawalan po kasi ng 500 yung ale kanina.
Guro: Tinulungan mo siyang maghanap?
Juan: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.
---o0o---
sa bahay
Anak: Inay, sinisilip ng kaklase ko 'yung panty ko!
Inay: Bastos 'yun ah! Ano'ng ginawa mo?
Anak: Hinubad ko po at itinago ko sa bag para 'di nya makita.
Anak: Tay, penge ng pera may project kami bibili ako ng 'cocomban'.
Tatay: Ano ka ba naman hanggang ngayon cocomban pa rin ang tawag mo.
Anak: Ano po ba ang tama?
Tatay: Bomb paper!
Anak: Dad tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
Ama: Ha? Elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?
Anak: Tay kaya mo bang sumulat kahit sa dilim.
Tatay: Oo. Ano bang ipapasulat mo?
Anak: Pangalan nyo po sa report card ko.
---o0o--- ---o0o--- ---o0o--- ---o0o---
PIC OF THE WEEK
Hoy Gising!!!
:
:
:
:
:
: