weekend joke: si lolo at lola
mga apo semana santa ngayon magtika-tika muna kayo at wag kakalimutang mag-pulbos sa likod mainit sa labas baka matuyuan ng pawis… sya sya hapi weekend.
(estudyante may kinakatikot sa ilong)
Lola: anong kinukuha mo ineng?
Babae: nursing po.
Lola: ahh... akala ko kulangot.
---o 0 o---
(Lolo bumisita sa kanyang apo at nahalatang may itinatago)
Lolo: iha, mukhang lumalaki ang tiyan mo buntis ka ba?
Babae: kabag lang po ito lolo.
:
:
(Lumipas ang isang taon bumisita naman ang apo sa kanyang lolo at may karga-kargang baby)
Lolo: iha, ang cute naman ng utot mo!
---o 0 o---
Tulad ng Dati
Isang araw na nag-uusap si lolo at lola...
Lolo : hon, alam mo nami-miss ko yung panahon na nagsisimula pa lang tayo.
Lola: talaga hon???
Lolo: oo, gusto mo ulitin natin tulad ng dati.
Lola: sige hon.
Lolo: kita tayo bukas sa dati nating tagpuan, sa tabing ilog.
Kinabukasan, nagpunta na si lolo sa usapan nila ni lola. Pormang-porma si lolo habang hawak-hawak ang isang bungkos na bulaklak.
Dumaan ang maraming oras nang paghihintay at wala ni anino ni lola na dumating sa tagpuan kaya nagpasya si lolo na umuwi na lang.
Pagdating nya sa bahay, inabutan nya si lola na nakahiga.
Pagalit na tanong ni lolo, bakit hindi ka dumating sa ating tagpuan. Ang tagal ko naghintay sa iyo doon.
Lola : Sori hon, hindi kasi ako pinayagan ni Mommy eh.
---o 0 o---
(sa isang radio station)
Announcer: Mga tagapakinig meron po tayong mananawagan dito. Lola bago po kayo manawagan ilang taon na po ba kayo?
Lola: Nobentay-dos na iho.
Announcer: Hinahanap nyo po bang apo o anak ninyo, sige simulan nyo na po.
Lola: Ate, umuwi ka na raw hindi na galit sa ‘yo si Daddy.
---o 0 o---
Sa isang ospital...
Lola (may cancer): Dok, anong gagawin nyo sa akin?
Dok: Che-chemo lola.
Lola: T*t* mo rin! Bastos ka! Walang modo!
---o 0 o---
Lola: mahal, make love tayo.
Lolo: sige, kunin ko muna condom.
Lola: sira ulo! di na ko mabubuntis!
Lolo: alam ko kaya lang may rayuma ako. Di pwede mabasa.
---o 0 o---
Sa kanilang 50th anniversary
1st attempt: lola wears see thru dress, lolo di nag-react...
2nd attempt: lola wear t-back, lolo dedma pa rin...
3rd attempt: lola all naked, lolo said, "Ano ba yang suot mo, gusot-gusot?!"
---o 0 o---
Sa restaurant...
Waiter: lolo, si lola po kumakain na bakit kayo po hindi pa?
Lolo: gamit pa nya pustiso ko iho.
---o 0 o---
Doktor: Lolo, I need your urine, stool, and semen sample.
Lolo: Ano daw?
Lola: Ibigay mo na lang brief mo, nandun na lahat yun!
---o 0 o---
(sa hukuman habang nililitis si lolo sa kasong rape)
Abogada: Look your honor, sobrang lambot na nito. Ito bang matatawag na rapist?
Lolo (pabulong): Attorney, wag mong pisil-pisilin baka matalo tayo!
---o 0 o---
Isang gabi habang nanonood akong TV tumabi sakin ang lola ko…
ang haba ng buhok itim na itim ang damit parang malungkot at may hawak na kutsilyo,
kinabahan ako…
nagsalita siya, sabi niya…
"apo, bagay ba sa akin ang EMO?"
---o 0 o---
Lolo: laro tayo.
Lola: ano?
Lolo: kahit ano wag lang taguan
Lola: bakit naman?
Lolo: because a girl like you is impossible to find.
(lupit ni lolo)
---o 0 o---
Sa mga may Facebook
pa-hire naman si lolo...
at paki-add naman sa friend si lola...