ay wag po natin lahatin! ano man ang tingin natin na hindi maganda sa mga kilala mong pinays, please remember na hindi lahat ng pinay ay gaya ng iniisip mo mr. alex. maaaring may katotohanan ang iyong mga sinabi na hindi maganda pero paano kung mali ka? napakasamang bagay ang manghusga sa ating kapwa, mapafilipino man o hindi. alalahanin din po natin na walang sino man sa atin ang may karapatang manghusga sa kapwa lalo na at hindi natin sila lubusang kilala, at tayo din po ay hindi perpekto o hindi nagkakamali... filipino po tayo parepareho, sana ay maging inspirasyon tayo sa iba at hindi ang maging dahilan pa ng dagdag kalungkutan at pasakit habang tayo ay narito sa doha. ipagdasal na lamang po natin sila kung sila man ay talagang naligaw na ng landas... yun lang ay aking opinyon. salamat.