Hello michelle,
I can solve your problem kasi same case tayo pero sa iyo boyfriend mo nga lang pero ako kasi hubby ko. Ang ginawa namin eh pumunta kami sa isang pulmonologist sa perpetual help hospital sa las pinas. Tapos binigyan ng skin test, xray and sputum test yung asawa ko. Tapos na dun namin nalaman na di active ang scars nya at dahil sa 1 month siyang umiinom ng gamot sa baga yung binigy ng clinic nung agency eh effective sa kanya. At sabi ng pulmonologist dun na lumalabo yung scars nya at tumatalab yung gamot na iniinom nya. So sabi ng doktor na bibigyan siya ng clearance na talagang wala siyang PTB at yun ang ibibigy nya sa clinic para bigyan na cya ng fit to work na medical clearance.
Explain ko sa iyo yng 3 test na kinuha nya para maintindihan mo ha.
1. skin test - tinurukan sya para malaman kung active ang scars nya. so Sabi ng doktor pag namula at namaga within 72 hours yun ibig sabihin meron at active ang PTB ng boyfriend mo.May certain 10mm ang laki ng paga para ma confirm na meron talga siya.
2. Yung comparison ng xray nya kung effective ba yung iniinom na gamot.
3. At huli yung sputum test ito naman eh yung plegm eh titignan kung may bacteria , at pag may nakitang bacteria siya eh ecuculture yun ng hospital at titignan kung maggegenerate na maging ptb yun within sa span ng 2 months. Pag di siya naggenerate ibig sabihin nun eh di siya active.
Ang nangyari kasi sa husband ko eh sa plegm pa lang din nalaman na walang bacteria siya kaya na clear agad siya ng doktor na di na kailangan yung 2 months na paghihintay at bibigyan na siya ng clearance agad.
At para siguradong wala ng maggenerate na ptb hanggang pagdating nya dito sa qatar maraming pinaiinom na gamot yung doktor nya within the span of 2 months and 4 months. Para magclear ang lungs nya sa mga scars.
At ang ginawa pa sa hubby ko eh pinavaccine siya ng doktor para di na siya kapitan pa ng ptb at di na mabuhay pa yung mga scars sa lungs nya.
Medyo malaki lang nga gagastusin nyo pero sulit naman lahat ng test na yun at mapapanatag ka kahit na mag medical yng boyfriend mo eh makikita din dito na wala siyang ptb. Kung gusto mo pa akong tanungin email ka na lang sa akin sa email ko sa opis para masagot kita agad.
[email protected]